Mga Visa para sa mga mangangalakal, mamumuhunan at mga espesyal na uri ng trabaho o kakayanan

Deskripsyon

E-1 hanggang E-3: Ang E-1 at E-2 visa: May dalawang uri ng visa para sa mga taong nagnanais na mamuhunan o makipagkalakalan sa mga kompanya sa Estados Unidos: it ay ang Treaty Investor Visa (E-2) o ang Treaty Trader Visa (E-1). wala alin man sa mga visa na ito ang maaaring gamitin bilang kapalit ng immigrant visa. Para sa mga naglalayong mamamalagi sa Amerika ay maari lamang mag apply ng nararapat na kaukulang immigrant visa. Ang Estados Unidos ay mayroong kasunduan ng pangangalakal at nabegasyon sa Pilipinas. Para sa listahaan ng mga treaty countries, tingnan ang http://www.travel.state.gov/visa/fees/fees_3726.html.

Ang treaty trader o investor visa (E-1 at E-2) ay ginagawad lamang sa mga mamamayan ng mga bansang nais magtungo sa Amerika upang: magdala ng kalakal kasama na rito ang mga serbisyong teknikal sa pagitan ng Amerika at ng bansang may susog ng kasunduan sa Estados Unidos kung saan ay may kasunduan g pangngalakal at nabegasyon na nilagdaan ang Estados Unidos: para sa pagpapayabong at pamamahala ng kompanya ng naturang mamayan o para sa mga indibidwal na nasa proseso ng paglalagak ng malaking halaga ng pamumuhunan sa Amerika. Sa ibang kaso, pinahihintulutan lamang ng mga kasunduang bilateral ang E-visa.

May mga ilang manggagawa ng kompanya na napagkalooban ng treaty trader o treaty investor visa ang maari ring makakuha ng E-1 at E-2 visa.

E-3: Ang E-3 visa naman ay ibinibigay sa ilang piling propesyonal ng Australia na may kakayanang espesyal para sa mga kompanyang Amerikano. Ang isang aplikante ng E-3 visa ay nangngailangan ng mahusay ng kwalipikasyong pang-akademiko at pang-propesyonal, kasama na dito ang anumang uri ng pagsususlit kung ito ay kinakailanagn upang makapasok sa Estados Unidos sa ilalaim ng mga trabaho at kakayanang espesyal. Kungang tranaho ay nangangailanagn ng anumang uri ng pagsusulit at lisensya o ano pa mang uri ng katibayan, kakailanaganin ng aplikante na magsumite ng naturang lisensya bago sya mapagkalooban ng E-3 visa. Sa ibang pagkakataon na kung saan ay hindi kinakailanagn ng agarang pagpapakita ng lisensya o iba pang katibayan ng kakayanan, inaatasan pa rin ang aplikante na magpakita ng intensyon o kasulatan na sya ay kukuha ng hinihinging lisensya sa lalong madalin panahon matapos na siya ay magawaran ng pagkakataong makapasok ng estados Unidos.

Wala nang kinakailanagang petisyong isampa para sa E-3 visa subalit ang kompanyang Amerikano ay kinakailangang kumuha g LCA o Labor Condition Application, ETA Form 9035 or ETA Form 9035E mula sa Kagawaran ng Paggawa. Hindi hihigit sa 10,500 E-3 visa ang maaaring maipagkaloob sa isang taon.

Kwalipikasyon:

E-1:

  • Ang aplikante ay kinakailangang isang mamamayan ng isang bansang may ugnayan sa Estados Unidos (treaty country). Ang Pilpinas ay isang treaty country.
  • Ang internasyonal na pangangalakal ay kinakailangang may kalakihan at may kontinwidad.
  • Ang kalakalan ay dapat sa pagitan ng Estados Unidos at ng isang treaty country, na nangangahulugang ang porsentahe ng kalakal sa pagitan ng Amerika at ng treaty country ay dapat mahigit sa 50%.
  • Ang kalakalan ay nangangahulugang internasyonal na pagapapalitan ng mga kalakal,produkti, serbisyo at teknolohiya. Ang titulo ng mga produktong pangkalakal ay dapat naipapasa mula sa isang kasapi patungo sa kabilang kaugnayan.
  • Ang aplikante ay kinakailangang nagtratrabaho sa kapasidad ng isang tagapamahala o nagtataglay ng kakaibang kakayanan na malaki ang kontribusyon sa mahusay na pagpapatakbo ng kompanya. Ang mga taong may ordinaryo o walang espesyal na kakayahan ay hindi maaaring magawaran ng uri ng visa na ito.
  • Ang aplikante ay may pagnanais na lumisan ng Estados Unidos sa sandaling sumapit ang itinakdang petsa ng pagpapawalang bisa ng estado ng E-1

E-2:

  • Ang mamumuhunan, indibidwal man o kinakatawan ng isang korporasyon, ay dapat mamayan ng isang treaty country. Ang Pilipinas ay isang treaty country. Nararapat substansyal o may kalakihan ang halaga ng pamumuhunang ilalagak. Sa puntong ito, ang salitang substansyal ay nangangahulugang sapat ang rekurso upang magtagumpay ang negosyo at mamalagi ito sa esatdo ng kaayusan at tagumpay.
  • Ang pamumuhunan ay kailangang magmula sa isang tunay na kompanya. Ang isang especulatibo o idle investment ay hindi kwalipikado. Ang mga pondo sa bangko o iba pang uri ng pananalapi ay hindi maaaring maituring na pamumuhunan.
  • Ang pamumuhunan ay nangangailangang magpakita ng kakayanan na kumita ng malaki at hindi lamang basta maging sapat para buhayin ang pamilya ng namumuhunan. Dapat itong magkaroon ng malaking kontribusyon sa ekonomiya ng Estados Unidos.
  • Kinakailanagn mayroon kontro; sa pondo ang mamumuhunanat. Ang mga pautang na nakuha gamit ang asset ng korporasyon ay hindi nabibilang sa layunin ng uri ng visa na ito.
  • Ang mamumuhunan ay kalanagn pumunta sa Esatdos Unidos upang patakbuhin at palaguin ang negosyo.
  • Kung ang aplikante ng visa na ito ay hindi ang prinsipal na mamumuhunan, dapat siya ay humahawak ng mataas na katungkulan sa kompanya o dapat ay magtaglay siya ng espesyal na kakayanan. Hindi kwalipikado ang mga mamamayang may ordinaryo o walang espesyal na kakayanan.
  • Ang aplikante ay may pagnanais na lumisan ng Estados Unidos sa sandaling sumapit ang itinakdang petsa ng pagpapawalang bisa ng estado ng E-2

E-3:

  • Tanging mamamayan ng Australia ang maaaring magawaran nito.
  • Kailanagan ng isang lehitimong alok ng trabaho sa Estados Unidos.
  • Ang trabahong gagampanan ay dapat nabibilang sa mga espesyal na uri ng trabaho.
  • Kinakailanagn ng mga kaukulang kwalipikasyong pang-akademiko o ng iba pang kwalipikasyong propesyonal.
  • Ang pamamalagi sa Estados Unidos ay kailangang pansamantala lamang.
  • Kung hihingian o kakailanaganin ay nararapat mag presenta ang dayuhang mamamayan ng karampatang lisensya o anumang katibayan ngpahintulot upang magsanay sa propesyon espesyal.
    • Katibayang na ang kompanyang kukupkop sa empleado ay nakakkuha ng Labor Condition Application (LCA), ETA Form 9035 or ETA Form 9035E mula sa kagawaran ng Paggawa ng Estados Unidos.

Iba pang Impormasyon:

Mga panahon ng bisa ng E-visa: Ang mga nagtataglay ng E-1 at E-2 visa ay maaaring manirahan sa Estados Unidos hangga't kanilang napapanatili ang kanilang estado sa kompanyang kanilang pinagtratrabahuhan. Ang E-3 visa naman sa kabilang banda ay may bisa hanggang 24 na buwan at ito ay maaaring i-renew.

Dependents

Ang mga asawa o mga anak na hindi pa naikakasal na hindi bababa sa 21 taong gulang ay maaaring pagkalooban ng derivative E-visa para masamahan ang prinsipal. Ang mga asawa o anak na walang intensyon na manirahan sa Esyados Unidos kasama ng prinsipal na visa holder na gusto lamang bumisita ay maaaring mag apply ng visitor visa (B-2).

Bilang resulta ng mga baging batas na itinakda, ang mga asawa (hindi ang mga anak) ng mga may E-visa ay maaaring magtrabaho gamit ang mga derivative E-visa. Ang asawa ay dapat pumasok sa Estado Unidos gamit ang kanyang E-visa at kinakailanagn nyang mag sumite ng completed Form I-765 (makukuha sa DHS) na may kaukuloang bayad. Kapag natanggap na ang permiso para magtrabaho (Form I-797, Notice of Action), maaari nang kumuha ng Social Security number muka sa Social Security Office.

Para sa higit pang impormasyon hinggl sa E-visa, tingnan ang Department of State website at More E Info.

Mga Apllication Items

Each applicant for an E visa must submit the following:

Bawat aplikante ng E-visa ay nararapat lamang magsumite ng mga sumusunod na dokumento:

  • Para sa E-q at E-2 lamang: Isang DS-156E Form (para sa renewal, part III lamang kasama ang contact information na may e-mail address).
  • Para sa aplikante ng E-3 lamang: Online Online Nonimmigrant Visa Electronic Application, Form DS-160. Tingnan ang DS-160 webpage para sa karagdagang detalye sa pag proseso ng DS-160 online.
  • Pasaporte na balidong gamitin sa Estados Unidos na may bisa pa ng higit pa sa anim na buwan ng takdang pamamalagi sa Amerika (maliban na lamang sa mga eksempsyon na itinatakda ng espesipikong kasunduan ng bawat bansa) Kung higit sa isang tao ang nasa ilalim ng bisa ng paggamit ng iisang pasaporte, nararapat lamang na mag-sumite ang bawat tao ng kani-kanilang sariling visa application form.

    Isang (1) 2X2 picture. I-click ang bahaging ito para makita ang kinakailangang photo format.

  • Resibong nagpapatunay ng kabayaran sa visa application processing fee na $390 (hindi maaaring i-refund). Mangyaring tingnan ang link na ito [ ] para sa karagdagang detalye sa pagbabayad nito. Maaari ring magkaroon ng karagdagang bayad o reciprocity fee sa panahong mai-issue na ang visa depende sa nasyonalidad ng nag-apply. Mangyaring tingnan ang VISA RECIPROCITY TABLE para higit na malaman ang detalye kung dapat ka pa magbayad ng karagdagang visa issuance reciprocity fee at para sa iba pang kaukulang multa.

Mga Supporting Documents:

Para sa mga unang beses na aplikante ng E-1 at E-2:

Nangangailanagn munang patunayan ng aplikante ng Treaty Trader (e-1) o Treaty Investor (E-2) na ang korporasyon ng mangangalakal na kanyang kinabibilangan ay sumusunod sa mga probisyon na itinatadhana ng batas. Para sa mas detalyadong impormasyon ngmga rekisito, tingnan ang website na http://travel.state.gov/visa/temp/types/types_1273.html.

Kinakailangang magpakita ng alikante ng mga sumusunod:

  • Evidence to demonstrate that:
  • Para sa E-1:
    • May kalakihan ang bolumen ng kalakal
    • Na nag kalakalan ay nagganap sa pagitan ng Estados Unidos at ng treaty country
    • At ang aplikante ay may mataas na katungkulan sa ehekutibong lebel ng kompanya at sya ay nagtataglay ng espesyal na kakayanan sa paggawa.
  • Para sa E-2:
    • Ang mamumuhunan ay kailangan aktibo sa pamumumuhunan o nasa proseso na ng pamumumuhunan.
    • Ang kompanya ay kasalukuyang timatakbo.
    • May kalakihan ang bolumen ng kalakal
    • Ang pamumuhunan ay kumikita ng malaki at sobra pa sa pangangailanang pampamilya ng namumuhunan.
  • At ang aplikante ay may mataas na katungkulan sa ehekutibong lebel ng kompanya at sya ay nagtataglay ng espesyal na kakayanan sa paggawa.
  • Katibayan na isang mamayan ng teaty contry at may malaking kontrol sa korporasyong pnagtratrabahuhan. kailangan ring makapagpakita ng mga Articles of Incorporation, Secretary of State certificates, Minutes of Board of Directors' meetings.
  • Pagpapatunay ng bolumen ng kalakalan
  • Katibayan na ang kalakalan ay nagaganap sa pagitan ng Estados Unidos at ng isang treaty country, halimbawa nito ay ang pagpapakita ng mga resibo ng US Customs.
  • Résumé ng aplikante, at ung ang aplikante ay may espesyal na kakayanan, patunay o kasulatan na nagsasaad na ang kakayanan ng aplikante ay lubhang mahalaga sa kompanya. Kinakailanagn mong maglakip ng mga katbayang gaya ng diploma, sertipiko ng paggawa o mga kasulatan mula sa mga dati mong pinagtrabahuhan. Mangyaring maglakip ng organizational chart.
  • Kung kinakailangan, maglakip rin ng G-28 "Notice of Entry of Appearance as Attorney or Representative," na may detalye gaya ng e-mail at numero ng teleponong maaaring tawagan.

Para sa Renewal ng E-1 at E-2

  • Patunay na ang korporasyon ay nasa operasyon pa rin ,magsama ng pinaka huling kopya ng buwis na binayaran sa Amerika (US tax returns)
  • Kasulatan mula sa Pamunuan ng Department of Human Resources na nagsasaad na ang aplikante ay mahalaga pa rin sa operasyon ng negosyo.
  • Kopya ng resumé ng aplikante na may kasamang mga diploma
  • Kung kinakailangan, maglakip rin ng G-28 "Notice of Entry of Appearance as Attorney or Representative," na may detalye gaya ng e-mail at numero ng teleponong maaaring tawagan.

Para sa E-3

  • Kasulatan ng alok ng trabaho mula sa isang kompanyang naka base sa Amerika. Ang isang dayuhang mamamayan ng treaty country ay kinakailangang makatugin sa mga rekisitong pang-akademiko at propesyonal na hinhingi ng posisyong gagampanannang sa gayon ay malaman kung ang trabahong nabanggit ay pumapasok sa kung tawagin ay “specialty occupation” para sa H-1B non-immigrants. Tingnan ang USCIS page para sa higit na impormasyon.
  • Kelangan din ng Form ETA 9035 na may nakasaad na "E-3 -Australia-to be processed", o kaya naman ay ETA 9035E na may petsang ika-04 ng Enero 2006 na para sa E-3 Australia lamang, Alin man sa natuang form ay maaarig tanggapin.
  • Patunay ng kakayayahang akademiko o iba pang patunay ng kakayanan at ang kasulatan ng alok ng trabaho o iba pang katibayang dokumento mula sa kompanyang pagtratrabahuhan na nagsasaad na pagka pasok ng aplikante sa estados Unidos, siya ay magtratrabaho sa bilang isang manggagawang may espesyal na kapasidad at ang manggagawang nabanggit ay babayaran ng karamapatang sweldo. Kailanagn rin ng kopya ng katibayan ng pagtatapos sa ibang bansa na may ekibalente sa sistemang pang-edukasyon ng Amerika. Ganun rin, kung kinakailangan ay ang kopya ng mga katibayan ng pagtatamo ng mga degree sa US o ano pa mang mataas na antas ng pag-aaral na hinihingi ng trabaho upang tumugon sa rekisitong pamantayan.
  • Kung walang kredensyal na pang akademiko, maaari ring mag sumite ng patunay ng pag-aaral o pagsasanay na may karampatang antas na akma sa pamatayan ng Estados Unidos.
  • Isang kopya ng lisesnya o ng iba pang katibayan ng pahintulot na magsanay at magsagawa ng trabaho sa estado kung saan ninanais ng aplikante magtrabaho o kung hindi naman kinakailanagn agaran ang lisensya sa hudyat ng pagtratrabaho, mangyaring magpakita ng kasulatan na nagsasaad ng pagkuha ng lisensya sa lalong madaling panahon.

Mga Kaanak:

  • Kopya ng orihinal na marriage certificate (para sa asawa) o birth certificate (para sa mga anak na hindi pa kasal na may edad na 21 taon gulang pababa)
  • Kung hindi kasabay ng aplikanteng prinsipal sa pag susumite ng dokumento, kinakailangan ng kopya ng pasaporte ng prinsipal na may US visa.

Para sa karagdagang impormasyon sa E-visa, mangyaringtingnan ang Department of State website:

http://travel.state.gov/visa/temp/types/types_1273.html

Back