Business / Tourist Visa FAQ's
Ang isang US nonimmigrant visa ay nagpapahintulot sa paglalakbay sa alinmang Port of Entry (airport/seaport) sa Estados Unidos. Kapag dumating ka na sa iyong patutunguhang Port of Entry, ang US Customs and Border Protection Officer na ang magde-desisyon kung gaano ka katagal na pwedeng manatili sa panahon ng iyong pagbisita. Maaari kang maglakbay sa Port of Entry habang balido ang iyong nonimmigrant visa at hanggang sa huling araw na ito ay balido pa. Hindi tukoy ng visa duration ang haba ng panahon na ikaw ay maaaring manatiling legal sa Estados Unidos; ang Customs and Border Protection officer lamang ang maaaring magpasiya nito sa iyong pagdating sa Estados Unidos.
Maaari kang dumating sa US hanggang sa huling petsa na balido and iyong visa. Ang Customs and Border Protection officer ang magtatakda sa tagal ng iyong pananatili sa US. Ang iyong visa ay maaaring mapaso habang ikaw ay nasa US pa rin – siguraduhin mo lamang na hindi ka mananatili ng mas matagal sa panahong itinakda.
Hindi mo kailangang maghintay hanggang ang iyong kasalukuyang mga visa ay mapaso. Maaari kang mag-apply para sa isang bagong visa kahit na ang iyong kasalukuyang visa ay balido pa.
Hindi maaaring ilipat ang US visa mula sa isang lumang pasaporte. Maaari kang maglakbay sa Estados Unidos dala ang parehong pasaporte pati na rin ang iyong marriage certificate, o maaari kang mag-apply para sa isang bagong visa.
Maaari mong gamitin sa paglalakbay sa Estados Unidos ang iyong visa hangga't ito ay balido para sa negosyo o pamamasyal.