Mga Visa Fees

Ang website na to ay naglalaman ng mga listahan ng mga non-immigrant visa fees at iba pang kaukulang multa sa visa na kinokolekta ng Department of State. Pakatandaan na tanging ang non-immigrant application processing fee (ang MRV fee) lamang ang kinokolekta ng serbisyong ito. Ang lahat ng iba pang multa ay dapat bayaran ng direkta sa National Visa Center, sa Embahada ng estados Unidos/Konsulado ng estados Unidos os sa Department of Homeland Security. Mangyaring tingnan ang [ } para sa higit na impormasyon.

Lahat ng bayarin na naksaad sa ibaba any maaaring bayaran sa local na pnananlapi sa Bank of the Philippine Islands (BPI) o online kung mayroon kang BPI o Bancnet account. Ang mga multa sa pagproseso ay binabayaran ng pang indibidwal: $140 sa kadalasang uri ng visa kasama na ang B-1/B-2 at F,M o J visa, $150 para sa H,L,O,P at R visa at $390 naman para sa E-visa at $350 paa sa K visa.

Ang MRV application fee ay hindi maaaring i-refund o mailipat sa ibang tao. Kailanagan mong magtakda ng petsa ng panayam sa embahada sa loob ng isang taon mula nang makapagbayad ka at makakuha ng resibo mo ng BPI. Kung sakaling hindi ka makapagtakda ng panayam sa embahada sa loob ng isang taon mula ng makuhamo ang resibo ng BPI, hindi mo na ito magagamit at mawawalan na ito ng bias. Ang resibo ng BPI ay pinapalagay na nagamit na matapos ang panayam at hindi na maaaring gamitin pang muli sa mga sususnod na appointment.

Mga detalye hinggil sa nonimmigrant visa application processing fee (MRV fee)

Kasama(ngunit hindi limitado) sa mga sumusuod na kategorya ng visa:

B- Visitor Visa: Business, Tourism, Medical treatment Visitor Visa: Business, Tourism, Medical treatment
C-1 Transiting the U.S.
D Crewmembers - Airline, Ship
F Student, Academic
I Media and Journalists
J Exchange Visitors
M Students, Vocational
TN/TD NAFTA Professionals
 T Victim of Trafficking in Persons
U Victim of Criminal Activity
  • Petition based visa categories: $150.00

Kabilang sa mga kategorya ng visa na ito :

H Temporary Workers/Employment or Trainees
L Intracompany Transferees
O Persons with Extraordinary Ability
P Athletes. Artists & Entertainers
Q International Cultural Exchange
R Religious Worker


  • E - Treaty Trader/Investor, Australian Professional Specialty category visa: $390.00
  • K – Fiance(e) or Spouse of U.S. citizen category visa: $350.00

Mga Pagkakataong hindi na kinakainlangang magbayad ng Non-immigrant visa application processing fee:

  • Mga aplikante ng A, G, C-2, C-3, NATO, at mga diplomatic visa (naksaaad sa 22 CFR 41.26): Walang bayad
  • Mga aplikante ng J visa na lalhok sa mga U.S. Government-sponsored educational and cultural exchanges: walang bayad
  • Pagpapapalit ng machine-readable na visa kung ang orihinal na visa ay hindi maayos ang pagkakagawa na walang kinalaman ang aplikante: Walang Bayad
  • Mga aplikanteng may eksempsyon base na rin sa mga napagkasunduan ng Visa Services gaya ng mga myembro at kasapi ng mga observer mission ng United Nations Headquarters na kiniklalal ng UN Genral Assembly at ang kanilang mga kaanak: Walang bayad
  • Mga aplikanteng bibiyahe upang magkawanggawa base na rin sa mga kwalipikasyong itinakda ng Visa Services: walang Bayad
  • Mga empleyado ng gobyerno ng Estados Unidos na bibiyahe ng opisyal: Walang Bayad
  • Magulang, kapatid, asawa o anak ng isang empleado ng gobyerno ng estados Unidos na namatay sa gitna ng pagtugin sa tungkulin upang dumalo sa burol ng huli; o magulang, kapatid, asawa o anak ng isang empleado ng gobyerno ng estados Unidos na nasaktan ng malubha sa gitna ng pagtupad sa tungkulin upang sya ay mabisita sa panahon ng pagpapagamot: Walang Bayad

Iba pang bayarin

Ang Nonimmigrant Visa Issuance Fees:

Maaaring pagbayarin ng visa issuance fee ang ilang aplikante mula sa ilang bansa kapag napagkaloobanna sila ng kanilang visa. Ang fee na ito ay base sa "reciprocity"(ang multa na pinapataw ng ilang bansa sa mga mamamayan ng Estados Unidos kapag kumukuha ng visa). Sinusubukan ng Estados Unidos sa kabilang banda na iwasan ang pagpataw ng anumang bayarin sa pagkuha ng visa subalit kung ang isang bansa ay nagpapataw ng kaukulang multa sa mga mamayan ng Estados Unidos kapag kumukuha ang mga naturan ng kanilang visa, ang pamahalaan ng Amerika ay magtatakda rin ng mga kaukulang bayad sa pagkakaloob ng visa sa mga mamamayan ng nasabing bansa. Mangyaring tingnan ang Department of State website at http://travel.state.gov/visa/fees/fees_3272.html

upang makita kung anong mga multa ang dapat mong bayaran.

Ang SEVIS Fee

Ang Student and Exchange Visitor Information System (SEVIS) ay isang sistemang internet-based na nagbibigay daan sa mga aplikante ng M at J visa upang masubaybayan nila ang pag-usad ng kanilang aplikasyon simula ng kanilang matanggap ang mga unang dokumento ( ang I-20 o DS-2019 hanggang sa makatapos sila sa kanilang pag-aaral.

Para sa mg aplikante ng F,M at J visa: Mangyaring itanong sa inyong mga unibersidad sa Amerika kung nailagay ang inyong mga dato na personal sa SEVIS. Kailangan mo magbayad ng hiwalay na SEVIS fee bukod pa sa MRV application fee. Para sa mga hindi imigranteng mag-aaral na may FORM I-20, ang takdang bayad ay USD$200: Subalit para sa mga ibang bisita na may DS-2019, ang kaukulang bayad ay USD$180.00. Kailanagan ng katibayan o resibo ng pagbayad bago pa man makuha ang student o exchange visitor visa. Mangyaring pakidala lamang ng resibo ng I-901 SEVIS sa takdang araw ng interview. Pakatandaan hindi tumatanggap ng bayad sa offsite bank o sa Embahada o Konsulado ng Amerika. Makikita sa www.fmjfee.com ang mga gabay sa pagbabayad ng SEVIS fee.

Mga may Eksempsyon sa pagbabayad ng SEVIS fee: Ang mga aplikanteng lalahok sa mga programang inilunsad ng pamahalaan ng estados Unidos ( mga program code na nagsisismula sa G-1, G-2. G-3, G-7) ay hindi kinakailangan magbayad ng SEVIS fee.

Kabayaran sa Fraud Detection and Prevention

Tanging ang mga principal na aplikante lamang ng Blanket Lpetition ang kinakailangang magbayad ng Fraud Prevention and Detection fee na maaaring magkahalag ng USD$500, USD$2,00 o USD$2,250 depende sa laki ng kompanyang kinabibilangan. Ang halagang ito ay binabayaran sa embahada sa araw ng itinakda para sa interview.

Tandaan: Ang US petitioner ang nagbabayad ng Fraud Prevention and Detection Fee para sa mga idibidwal na petisyon ng L,H-1B at H2-B kapag isinumite nila ang kanilang petisyon sa USCIS.