Bank and Payment Options

Kailan hindi kailanganng Visa- Ang Visa Waiver Program

Lahat ng bumbiyahe sa Estados Unidos na nasa ilalim ng Visa Waiver Program (VWP) ay nararapat kumuha ng pahintulot sa Electronic System for Travel Authorization (ESTA) bago pa man bumiyahe sa Amerika. Mayroon USD$14 na kabayaran sa pagpaparehistro sa ESTA. Ang halagangito ay maaaring bayaran online gamit ang Visa, MasterCard, American Express, or Discover. Maari ring magbayad para sayo ang mga tinatawag na third-party na indibidwal (mga travel agents, kapamilya atbp) kung wala kang kaukulang credit card na tinatanggap ng sistemang online. Kung ma-deny ang iyong pag rerehstro ng ESTA, tanging US$4 lamang ang iyong babayaran.. Para sa higit na detalye sa rehistrasyon sa ESTA, tingnan ang http://cbp.gov/esta

Mga Bangko at mga Opsyon sa pagbabayad:

Mga maaring pagpilian sa pagbabayad ng visa:

  1. Cash sa bangko: Kahit sinong aplikante ng non-immigrant visa ay maaaring magbayad ng cash sa pinakamalapitna bangko ng BPI sa inyo. Ikaw ay inaasahang magdadala ng kopya ng iyong pasaporte para sa pagbabayad. Pagkabayad mo ng MRV application fee, ikaw ay makakatanggap ng resibo ng pagbabayad mula sa bangko. Pakatandaan lamang na kailangan mo pang maghintay ng apat na oras bago mo magamit ang iyong resibo sa pagtatakda ng petsa ng iyong interview. Kung ikaw man ay magsasagawa ng appointment para sa interview online o kung tatawag ka man sa aming call center, kailanagn mong ibigay ang Unique Reference Number o UID (naka-imprenta sa iyong resibo) maging ang petsa ng resibo mo bago ka makakuha ng appointment date para sa iyong interview
  2. ONLINE na pagbabayad: Pakatandaan na ang mga aplikanteng meron acount sa BPI ay maaaring magbayad ng kanilang MRV application fee online. Upang maproseso ang iyong online payment, kailangan mo ng mga sumusunod :
    • Pasaporteng balido * numero ng telepono * Email address *buong pangalan * Petsa ng Kapanganakan.

Upang magbayad ng MRV fee online, paki click dito

Mahalaga: Pakatandaan lamang na kailangan mo pang maghintay ng apat na oras bago mo magamit ang iyong resibo sa pagtatakda ng petsa ng iyong interview. Kung ikaw man ay magsasagawa ng appointment para sa interview online o kung tatawag ka man sa aming call center, kailanagn mong ibigay ang Unique Reference Number o UID (naka-imprenta sa iyong resibo) maging ang petsa ng resibo mo bago ka makakuha ng appointment date para sa iyong interview

Matapos mo mabayaran ang visa application, pakitabi ang BPI fee receipt para sayong record. Bawat non-immigrant na aplikante, pati na rin ang mga bata, ay kinakailangang ,agbayad ng Machine Readable Visa application fee mapagkalooban man o hindi ng visa ang aplikante. Ang kabayaran sa visa ay depende sa klase ng visa na ninanais makuha. Sumangguni sa Department of State website para sa iba pang impormasyon