Patakaran sa Akreditasyon ng Manning Agency

Maaring tandaan na lahat ng Manning Agency ay dapat na pinagkakatiwalaan para makapagtakda ng appointment ng interbyu para sa mga marino. Para sa detalyadong imporamasyon ukol sa Patakaran sa Akreditasyon manning agency maaring i-browse ang sumusunod na website link http://manila.usembassy.gov/wwwhnv08.html

Ang Patakaran sa Akreditasyon ng manning agency (Manning Agency Accreditation Policy or MAAP) ay pinamamahalaan ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas upang mapagaan ang serbisyo ng pag-aplay ng visa para sa mga ahensya na makatarungang nag papatakbo sa loob ng Pilipinas.

Lahat ng mga pinagkakatiwalaang Manning Agency ay kinakailangang magtakda ng mga visa appointment gamit ang tinalagang logon LAMANG. Ang mga kalahok na kumpanya sa MAAP ay maaring makakuha ng logon sa pamamagitan ng pagpapadala ng kahilingan sa pamamagitan ng pag email sa Embahada ng U.S.

Embassy’s Manning Agency Requirements

Lahat ng Sea Fearer Recruitment Agency ay kailangan sundin ang sumusunod na hakbang sa ibaba para mag aplay ng visa.

Unang Hakbang: Kumuha ng litrato na maaring i-upload at naaabot ang mga espisipikasyon sa form. Pumunta sa form DS-160. Kumpletuhin ang inyong DS-application online. Mag-save ng madalas sa inyong desktop! sagutin ang mga tanong ng lubusan bago mag sumite, dahil ang hindi kumpletong mga form ay hindi tatanggapin. I-print ang DS-160 barcode confirmation sheet sa dulo ng DS-160 application. Pagkatapos mong i-print ito, i-email ang confirmation page sa inyong sarili para kayo ay may back-up na kopya. Ang file ay isang PDF file, kaya kakailanganin ninyo ng Adobe Acrobat sa inyong computer para mabuksan ito.

Pangalawang Hakbang: Bayaran ang MRV application fee. Sa mga bihirang eksepsyon, bawat aplikante, kasama ang mga bata, ay kailangan magbayad ng hindi refundable na USD 140 application fee sa Philippine Peso para sa B1/B2, C1, C1/D, F, M o J na mga Visa, USD 150 application fee sa Philippine Peso para sa H,L,O,P,Q at R na mga Visa, USD390 para sa E Visa. Maaring tingnan ang Bank and Payment Options para sa mas detalyadong impormasyon sa pagbabayad ng visa fee.

Fee Information

Mahalagang Tandaan: Kapag nagbayad kayo ng online o cash sa BPI, matatagalan ng 4 na oras mula sa oras ng pagbayad para ma-proseso ang inyong resibo. At kung kayo naman ay nagbayad sa pamamagitan ng Bancnet, maghihintay kayo ng 1 araw mula sa oras ng inyong pagbayad. At maari na kayong magpatuloy sa pangatlong hakbang

Pangatlong Hakbang: Logon to the Manning Agency Appointment System at magtakda ng appointment sa tulong ng tinalagang login.

Pang-apat na Hakbang: Pumunta sa Embahada ng U.S. sa araw at oras ng inyong nakatakdang panayam at dalhin ang mga kailangang dokumento.

Pang-limang Hakbang: Ang mga na-aprubahang visa ay ibabalik sa pamamagitan ng courier. Click here upang i-track ang inyong pasaporte.