221(g) Procedure and Submission

Mga pamamaraan ng pagsumite ng mga 221(g) na dokumento sa Embahada:

Unang Hakbang: I-click ang 221(g) submission link para ma-print ang 221(g) na submission slip na kakailanganing ibigay sa sangay ng courier. Ang mga nagnanais na baguhin ang courier address ay maaaring gawin ito sa link na ito.

Ikalawang Hakbang: Magsadya sa pinakamalapit na sangay ng courier dala ang 221(g) submission slip, 221(g) na sulat na galing sa Embassy at ang lahat ng dokumento na kailangang isumite.

Ikatlong Hakbang: Isumite sa sangay ng courier ang lahat ng dokumento at ang 221(g) submission slip. Magbibigay sa iyo ang courier ng kopya ng airway bill bilang patunay na nag-sumite ka ng mga dokumento.

Ikaapat na Hakbang: Isusumite ng courier sa Embassy kung saan ka napanayam ang lahat ng iyong dokumento.

Ikalimang Hakbang: Ipapadala ng courier sa mga aplikante ang kanilang pasaporte na may visa, o isang panibagong 221 (g) na sulat kung kinakailangan, sa address na itinakda ng aplikante

Back