Mag-Apply Para Sa Isang U.S. Visa | Travel Coordinator - Pilipinas (Tagalog)

Travel Coordinator

Matatagpuan sa Pahingan Ito:

Pangkalahatang-ideya

Kung ikaw ay isang travel coordinator na parating nagtatakda ng appointment para sa ibang manlalakbay, maaari kang gumawa ng travel coordinator profile sa aming online system. Sa halip na lumikha ng bagong profile para sa bawat aplikante, ang katangiang ito ay magbibigay-daan sa iyo upang pamahalaan at subaybayan ang lahat ng iyong mga kliyente sa ilalim ng iyong profile. Mula sa sentrong kinalalagyan, maari mong itakda, i-reschedule, kanselahin o kumpirmahin sa isang screen ang iyong mga kliyente. Ito ay para hindi na kailanganing gumawa ng mariming profile name, password at panlabas na pagsubaybay ng appointment ng iyong mga kliyente. Ang katangiang ito ay hindi inilaan upang palitan ang aliman sa group appointment o iba pang programa na nakalista sa ilalim ng "Local Visa Programs."

Mga tagubilin upang i-access ang Travel Coordinator Profile at pamahalaan ang maraming appointments.

Unang hakbang
Maglog-in at gumawa ng profile sa aming online applicant system. Kung ikaw ay mayroon ng profile, gawin ang pangalawang hakbang.

Pangalawang hakbang
Mag-send ng email sa travel-coordinator@ustraveldocs.com at ilagay ang iyong UID number sa subject line. Ito ang magbibigay sayo ng access para mag-schedule ng aplikante bilang isang travel coordinator. Ang iyong UID number ay matatagpuan sa bandang kanan ng iyong screen kasunod ng iyong username. Hindi na kailangan na maglagay ng kahit na anung detalye sa katawan ng iyong email.

Sa ibaba ay ang screenshot na nagpapakita kung saan matatagpuan ang iyong UID pagkatapos mong maglog-in sa iyong profile.
UID Location


Pangatlong hakbang
Mag-antay ng limang minuto para ang iyong email ay maproseso at i-click lamang ang Home link sa itaas bandang kaliwa. Makikita mo na ang iyong dashboard at item sa menu ay nagbago na. Sa bandang kaliwa ng menu ilalagay na ang Search Appointment at Appointment History na pagpipilian.
UID Location


Pangapat na hakbang
Kung ikaw ay handa na sa pagtatakda ng appointment, i-click lamang ang Schedule Appointment. Kailangan mong kumpletuhin ang impormasyon para sa visa type, post, visa category, visa class at ang impormasyon ng aplikante. Ang sistema ay magdidikta sa iyo na pumili ng partikular na petsa para sa visa appointment ng iyong kliyente at magbibigay ng detalye ng pagkumpirma nito.

Panglimang hakbang
Pwede ka rin tumuloy para magdagdag ng iba pang aplikante sa iyong profile at magtakda ng maraming appointments. Kung kailangan mong makita ang mga dati pang naitakdang appointment, pwede mong i-click ang Search Appointments o tignan sa Appointment History.

Ang Appointment history ay magpapahintulot sa iyo na makita ang mga naitakda mo ng appointments. Kung pipiliin mo ang green plus sign, makikita mo ang snapshot ng impormasyon ng aplikante gaya ng appointment date, visa category, applicant email at UID. Maaari mo ring ayusin ang iyong mga listahan ng mga kliyente sa pamamagitan ng appointment date, visa type or status.

Tandaan: Kailangang tandaan na ang Appointment History option ay hindi dapat gamiting talaan ng inyong mga aplikante dahil mayroon itong limitasyon sa bilang ng aplikanteng maaaring itala.

UID Location


Ang Search Appointment ay magpapahintulot sa iyo upang magsagawa ng isang aksyon para sa iyong kliyente.Tulad ng nakikita mo sa ibabang screenshot, maari mong kumpirmahin. kanselahin o i-reschedule ang appointment.
UID Location


Karagdagang impormasyon

Tandaan: Kung babaguhin mo ang iyong access para maging travel coordinator profile, ikaw ay hindi na papahintulutan makakuha ng appointment para sa iyong sarili. Para magtakda ng sariling appointment, magpadala ng paninagong email sa travel-coordinator@ustraveldocs.com at ilagay ang iyong UID number sa subject line. Hindi na nito papaganahin ang iyong travel coordinator profile. Kung ikaw ay magtatakda na ng iyong appointment, kailangan mong tanggalin ang lahat ng mga naitakda mo ng appointment sa iyong Dependent screen. Pagkatapos mong magtakda ng iyong appointment, muling ipadala ang email at maibabalik ang iyong access.